Background Photo: wanderlustchild
Quotation From: roxy ongpin
Ang pagmamahal ay isang malaking pagsubok, kailangan diretso lang ang tingin kundi mawawalan ka. May mga bagay na sadyang ang puso lamang ang makakapagdikta, mga bagay na tanging ang mata ng puso ang nakakakita. Alam ng utak ang hirap ngunit di nito ito kayang gampanan, ang puso lamang ang tanging susuong sa ganitong suliranin, manalo, matalo, walang kasiguraduhan, walang nakakaalam, walang makakaalam, pulos kasisikap, pulos taktika na di naman subok na gagana. Ang puso ay isang matapang na mandirigma, sumusubok sa pagmamahal kahit ipinagtatabuyan, kahit itinatago, kahit parang pulos na lang salita, kahit ang tanging pakunswelo lamang ay ang ngiti ng minamahal. Ang puso ay matalino ngunit bobo rin kung minsan, tanga karaniwan. May mga pagmamahal na sadyang wala nang patutunguhan, wala nang pasisimulan pulos na lang bigong katapusan. May mga pagkakataon na nagmamahal ka nga ngunit wala namang bumabalik. Nasasaktan ka, oo, ngunit dahil wala kang karapatan, iiyak ka na lang, aasa na kahit papaano ay darating din ang panahon mong manguna, maging nag-iisa o ang pipiliin. Hanggang darating ang panahon na mapapagod ka na lang, wala pa din. Susubukang sumuko pero parang tanga na makakakita muli ng pag-asa, maghahangad ng isang bagay na akala ay wala na. Uusbong ang isang pag-asa na ang pag-ibig ay makukuha, na ang buhay ay lubos na liliwanag pa.
Ang pag-ibig, ang puso, mahirap ispellengin, mahirap liwanagin. Isang ligaw na damo na tutubo na lang bigla sa bakuran mo, magpapakarami ng di mo alam, hanggang sa sakop na pala nito ang bakuran mo, hanggang sa wala ka nang magagawa, tatanggapin mo na lang at hahayaan. Isang damo na minsan ay nagpapaganda o nagpapangit ng bakuran. Kapag nawalan ka na ng interes, kapag di na masyadong maganda ang naidudulot sa iyo, mas gugustuhin mo pa ang patayin ito ngunit mahirap na, halos imposible na pero kaya pa din, kapag inunti-unti, dahan-dahan, hinay-hinay, kinakaya. Nawawala. Nauubos at napapalitan. Ganyan ang pag-ibig para sa akin.
Masakit.
Masarap.
Malungkot.
Masaya.
Puno ng pag-asa.
Wala nang pag-asa.
Ngunit hindi dito nagtatapos ang buhay, dahil ang pantaong pagmamahal lamang ang mahirap, may isang nilalang padin na lubos at buong pusong minamahal tayo. Siya ang Panginoon, ang lumalang sa lahat at patuloy na nagbubuhos ng pag-ibig sa mga taong di man lamang ito tinatanggap. Sa Kanya ako kakapit. Sa Kanya ako lalapit. Siya ang nag-iisang di lilimot at iiwan sa akin kahit sino at ano pa man ako at ang pinagdaanan ko.
Panginoon, gabayan Mo po ako. Alam ko pong tama na sa Inyo ako kakapit. Ikaw ang lakas ko sa twina. Salamat po.
Disclaimer: I am not 100% sure of her name but I know she knows who she is.
Dear Ms. De Medici,
Alam ko na iisipin mo na bakit pa ako makikisawsaw, well to tell you frankly okay lang naman na i-bash mo ang mag taga UST, na walangyahin mo ang mga estudyante nito, na i-disrespect kami pero wag ang school namin, wag ang university namin. UST is far more prestigious to be showered with these false accusations. Respect our institution. You have not yet lived up to our university’s 400 years of glory and excellence so please, stop. Not one soul will ever have the right to slander the name of a university that has produced so much for the country.
Love, me